Music Tumblr Themes

(via asdfghjkllove)


Mark this DAY. :)

It was EPIC. Ngayong araw na ito ang last day ng sembreak namin. Damn. Sobrang bilis. Pero okay lang. ayako naman ung sobrang tagal e.

Tapos na ung mga Facebook and Tumblr days ko na naging sobrang saya naman. Tapos na ung 2-week-long na date namin ng Cityville. Tapos ko naring imemorize ung galaw ng AI sa dota v.69 na map. Tapos ko nang basahin ung mga ubod ng tagal ng mga posts ng mga klasmeyt ko dito sa Tumblr na di ko naman naabutan pa kasi bagito palang ako. And FINALLY, Tapos na din ung panahong wala akong masyadong ginagawa -pero pagod ako. Un tipong nag-aayos ako ng sala pero para may gawin ulit -guguluhin ko nalang ulit. :)) End of half-emptiness, half-boredom, and half-happiness ko. ka-pow.

And so Summer Classes be kind to me. :) Though di ako magbakasyon ulit this time, Please fill out the gaps sa lahat ng mga bagay na dapat sana gagawin ko. Sa lahat ng events, Sa lahat ng pahinga, Sa lahat ng kasiyahang mamimiss ko dahil sa summer class please ibalik mo sakin 10X ung saya. Bonus na ung dami ng matututunan ko. :) Make me realize na summer classes are always worth of choosing instead of goofing and loafing around for almost two months. Make me feel no regrets, Make me have no time to waste and sempre, Make my summer days better. And oo nga pala, summer class, i-eenjoy kita ng sobra. Kasi Hopefully this time, ikaw na na ang last na summer class ko. 


Summer Fun. Summer Cram. Summer Excitement. Summer Effort. Summer Dilemmas and Summer stress. Lets get it on. :))



Astig. Nakita ko bigla ung kopya ko nung speech na ginawa ko na ginamit ko sa Filipino. Kaso may mga salita ata dito na hindi na appropriate ngayon. hehehe. Howell, may ma i-blog lang. :)

So here it goes. 

»Ilang araw bago tung araw na to, nagkaron kami ng asaynment. Pambihira, kakatapos lang magtransleyt para sa leksikon, may gagawin nanaman palang masakit sa ulo. Hindi kasi ako un tipong masipag, kaya kadalasan lahat ng ginagawa ko paspasan. Iba kasi un pasok ng mga ideya pagnatataranta ka na. Ang dami mong naiisip. Akala mo ang talino mo kasi andami mong napagkokonek-konek na mga bagay kahit wala namang sense. ung asaynment? Eto un. Ung speech daw. Ayoko magspeech eh. Di ko kasi alam kung san ko talaga sisimulan, di ko rin alam kung paano ko tatapusin. Wala ding eksaktong paksa, kaya nahihirapan talaga ako magisip. Sobrang mahirap na sakto lang, na magulo pero hindi na ewan. Alam niyo, nung bata ko, kapag nagiisip ako ng mga malalalim na bagay, nagpapaulan ako. Ang sarap kasi sa pakiramdam nung may malamig na tubig sa balat mo. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang kumportable ako pag-umuulan. Nagpapaulan din ako para naman masulit ko ung paginom ng mga ascorbic acid tsaka enervon na yan. Ayun, epektibo naman ata. Di ako nagkakasakit basta. At kung itatanong niyo kung nagpaulan ako para makapagsulat lang ng speech eh, hindi. malas, di kasi umulan kaya binasa ko nalang ung ulo ko, tsaka ‘ko nagsulat. Dahil sa wala nga kong maisip na paksa, kwekwentuhan ko nalang kayo. Medyo boring to pero ewan ayos lang. Nung unang araw ko dito sa bbf sobrang others ung pakiramdam ko. Bukod sa ang init-init ng room namin e wala akong friends, syempre nahiwalay sa dating mga kaklase. Ayun malungkot na, bored pa. tapos naalala ko wala palang professor nun kaya badtrip. Pero ayos lang, bigla kasing may dumating na dalawang klasmeyt na maganda, kaya ayun. Aba magkasama pa sila, kung baga pwede ng pampalubagloob. Si Kate un tsaka si Karen. Masasabi kong hindi na rin ganun kasama ung timpla ng araw kong un. Pero sa huli, umuwi din naman ako kagad. San pa ba ko pupunta? Wala namang pwedeng tambayan e. Hindi exciting first day ko no? Wag kayo mag-alala, pareho lang sila ng second day ko. Pero this time, may prof na kami, kaso wrong timing kasi laban ng Boston tsaka ng Celtics nun. Pero ayos lang, may nadagdag din naman sa mga crush ko sa room nung araw na un, sino sila? Secret. Si Kim ung isa tapos ung isa si Mariz. Wala naman yan mga crush na yan. Crush lang, walang malisya dun. Kung baga natural lang sa mga lalaki ung i-rank un mga babae sa room nila according to their beauty especially pag mga unang araw. Ayun natapos ung araw na half show lang ung napanuod ko sa NBA, takte. Talo pa un boston. Olats pusta ko. Madaming araw ung dumaan, hanggang sa medyo nararamdaman ko, nageexist nadin ako sa klase. Siyempre, may friends na ata to, mayabang na. ayun, paulit-ulit lang ang set-up hanggang sa napasama nako sa barkada nila jomz. Masaya, sobra! Andun si Alvin, si jennica, si bea, si jomz syempre, si dave na minsan lang magpakita, minsan nandun din si aaron , tsaka siyempre, si meheng. Alam ko nagsimula lang un sa simpleng play sa Filipino eh, wala lang. nakatutuwa lang na isipin ung mga ganun bagay. Mga bagay na akala mo sa simula wala lang, pero sa huli maiisip mo, espesyal pala.Tapos un, nagkaroon kami ng maraming group activities sa room, mga happenings, text-text tsaka mga kalokohan sa seminar at facebook. -bago ko pa napansin, naging sobrang close na ng section namin sa isa’t-isa. Di man kami lahat, atleast ako un ung pakiramdam ko. Sobrang ang bilis kasi, isang semester palang ang nakalipas di pa nga tapos eh, tapos ganun na kami magturingan. Wala lang, ibang-iba dun sa dating kong section. Namimiss ko sila, pero sobrang saya ko sa section na to. Iba, iba talaga. ‘stig.Sa 10N ko lang naramdaman ung pagiging masaya na hindi. dun din ako natutong pumetiks, magdabells, mangsamantala sa unlimited na lugaw, abusuhin ang kinsenas na sinehan at makipagdigmaan o magninja-ninjahan. Grabe, ang daming alam ng section nato. Halos every week, may pa-utot o may pa-uso nanaman. Basta sobrang halo-halong emosyon un nandun, lahat nagbabago. Pero consistent lang siguro samin e ung pagiging maingay at masayahin namin. Oo nga, isa pa pala, sa 10N lang din ako ulit na-inlove. Nakatutuwa kasi parang hindi ako nagsisisi na lumipat ako ng course. Nakatutuwa kasi pinagsama-sama kami lahat na mga isip tukmol sa section na to. Nakatutuwa kasi parang ang bigat ng impact nung mga ginagawa namin kahit simpleng bagay lang. Nakatutuwa kasi parang ang tagal na naming magkakakilala pero ung totoo isang semester palang pala. nakatutuwa kasi iba ung pakiramdam, parang kanina lang wala akong masulat sa papel nato, pero ngayon ang dami kong sinasabi. Nakatutuwa kasi hindi ko na pala kelangan basain ung ulo ko o magpaulan para lang makapag-isip ng magandang speech. Ang kelangan lang hayaan ko ung sarili ko na magkwento at hayaan ko ung section namin na gumawa ng madami pang kwento.Since hindi naman ako magiging magna cumlaude, sasamantalahin ko na ung pagkakataon na to para magspeech. Ayun, salamat sa section namin na sobrang naging astig para sa pananaw ko. Ayaw kong magdrama kaya let’s keep it cool nalang. Basta ang alam ko, di matatapos ung araw na naging thankful ako na naging klasmeyts ko ung nasa 10N. Sige na nga idamay nadin natin un mga proffesors naten. May mga petiks, may mga terror, meron ding sakto lang, pero kahit ano pang mga kalokohan ung mga inuutos nila, naging part un kung bakit naging close tayo sa isa’t-isa. Sabi nga nila ganun lang din un sa mga problema, pag madami kayo, madali niyo nasosolusyonan. Pero dito sa section nato, di na namin inaassume na masososlusyunan namin ang problema, mas sigurado pako na tatawanan nalang namin ung problemang un, tapos onting damayan.Sa huli, gusto ko lang pasalamatan ung mga professor namin, mga klasmeyts, si aling bebang (ung may ari ng lugawan), SM para sa 15 na sinehan, si tootooot na obvious naman na kung sino para sa inspirasyon and kay God. Oha? Hanep diba, sabi sa inyo e ayaw ko magspeech. Basta, 10N = astig. -olrahk

It’s Epic. Di ko talaga alam kung bat ganito naging produkto ng utak ko noon. Iba talaga siguro ang hatak, kapag kailangan sa school. Pero wala naman ako pinagsisisihan diyan sa sinulat ko, in fact yan talaga ung nararamdaman ko noong mga panahong yon. Still, may ilan pa din naman diyan na totoo padin hanggang ngayon. :))


March 30, 2011

Grabe. Feeling ko di ako makakatulog ngayon. Andami kong gusto sabihin. Pero wala akong masimulan. Gusto ko na talaga gumawa ng blog; Pero ayaw magsulat ng mga kamay ko.

Arrgh. Ang gulo. Gusto ko na bumalik sa dating ako. Un tipong nagsusulat para maglibang, para magsaya. Ang lungkot kasi, Pero mas nakalulungkot dahil hindi ko alam kung bakit ako malungkot.

Tuldok. Tuldok. Tuldok.

Walang Sense. Blog. Blog. Blog. 



[Flash 9 is required to listen to audio.]
Title: River Flows In You Artist: Yiruma 0 plays

tootootooooot. :)





Pinturahan na ang kwarto. :) Excited nakoo.


A Newbie in Tumblr. I hope this site will work for me. :)) :)








ARC.

Act of Random Curiosity.


Ang hirap talaga humagilap ng mga salita kapag tungkol na sa sarili mo ang sinusulat mo.
Sa ngayon, wala pa akong mailalagay dito. I cannot tell you who am I, Pero I will definitely show you what I am.



Consistent but will always be Different.

-olrahk



This Flash Player was created @ FlashWidgetz.com.







Navigation
Home Archive Random RSS Ask Themes

Following: